Monday, 10 February 2020

Mga Talumpati Hinggil sa Kahirapan



MGA KABABAYAN MAHIRAP TAYO? KUMILOS KA!

Isang pagbati sa inyong lahat. Nawa ay buksan ninyo ang inyong mga tenga.

Hindi tayo ang nagpapasya ng kung anong level naten sa buhay pag tayo ay isinilang. May mga isinilang na mayaman at may isinilang na salat. Problema ng bansa ang kahirapan ngunit ito'y masusulusyunan kung tayo'y kikilos at gagalaw. Magsikap at mangarap baguhin ang landas ng pag kasilang.

Ang kahirapan ay hindi pang habang buhay ito ay problema lang na maaring solusyunan. Huwag mong i-asa sa panahon. Ika'y Mag-isip, gumalaw at bumangon.

Jua, Edrian Mark F.
2BSIS-2-January 2020
SOSLIT

_____________________________



Magandang araw! aking mga kamag-aral. Nandito ako sainyong harapan upang ipabatid sainyo ang aking talumpati patungkol sa kahirapan. Isa sa pinakamalaking kinahaharap ng problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Kahirapa'y atin ding problema, Lalo na't tayo'y mga bata pa, Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa, Dahil balang araw,Aahon rin tayo sa kahirapang ating problema.
Ako'y isang batang nangangarap din, Ngunit hindi ang kahirapan ang siyang hahadlang sa akin, Pag-aralan ko lang ang mga aralin, Upang walang dudang makakamit ang aking mga mithiin. Para sa inyong nangangarap katulad ko, Sana'y huwag lalaki ang ulo niyo, Dahil mga magulang nati'y nagsisikap ng husto, Upang lahat ng ating mga pangarap ay walang duda nating matamo.

Nathaniel Zapatero | SOSLIT : 2 BSIS 2 | MW 2:30-4:00 pm January 2020

____________


"Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino"
Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng matitinding suliranin, pero kung minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.
Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa lawak ng kahirapan.Hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang kahirapan. Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay, na magtataas ng antas sa pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino at sa bandang huli ay tunay na magpapababa sa bilang ng mahihirap.

-SOSLIT
-Ferry,Joana Mariz January 2020
-2BSIS-2

______________



Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong oras. Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon. Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!

Samson, Nicole / 2BSIS-2 / SOSLIT
January 2020

______________

No comments:

Post a Comment