Sunday, 23 February 2020

Kahirapan : Mga Talumpati



KAHIRAPAN

Ang kahirapan ay isang problema sa ating bayan, maraming mga batang palaboy-laboy, gutom, nanghihingi ng pera, at ang iba'y gumagawa na lamang ng masamang gawain. Bakit nga ba naging ganito ang ating lipunan? Dahil ba sa kakulangan sa edukasyon o sa nangyayaring korapsyon o baka kulang sa disiplina. O baka inuuna ang kasayahan kaysa maging masipag para makamit ang mga pangarap, noong bata pa maraming pangarap tulad nalang na maging isang doctor, police, guro, o engineer ngunit bakit tila isang kriminal ka na? Kung nag-aral ka lamang sana noon natupad mo ang iyong mga pinapangarap at hindi ka naghihirap ng sobra ngayon. Magaan ang iyong pamumuhay bagaman hindi kayamanan ngunit hindi naman baon sa kahirapan. Ang pag-aaral ang susi ng tagumpay. MAG-ARAL! MAGSIKAP! MAGING MATIYGA! Habang may buhay may pag-asa!

SOSLIT
DIWA, EMERLINE M.
BSE-TLE
MW 1:00pm-2:30pm- January 2020

________________________________________________________________



"KAHIRAPAN AT PAGBABAGO"

Kasalukuyang laganap sa bansa ang kahirapan na isang pang-malawakang isyung panlipunan na hanggang sa ngayon ay di mabigyang solusyon.

Kawalan ng edukasyon ang pangunahing sanhi ng lalong pagkahirap ng mga mahihirap sa bansa. Masasabi nating ang edukasyon ang susi sa pag-unlad kung kaya’t ito rin ay isa sa mga susi sa pagsugpo ng kahirapan. Isa pang sanhi ng kahirapan ay ang teenage pregnancy. Ang mga dalagang inang ito ay wala pang kaalaman sa pagpapalaki ng anak kung kaya’t nakadadagdag sila sa bilang ng mga mahihirap.

Patuloy din sa paghahanap ang gobyerno para sa mga isyung ito. Marapat na mas lalong pagtuunan ng pamahalaan ang mga programang tumutulong sa kalagayan ng mga mahihirap. Marapat na gawing produktibo ng pamahalaan ang bawat mamamayan upang unti-unti nating makamit ang hinanahangad natin na mabawasan ang mga mahihirap sa bansa.

Maituturing rin na susi sa pagsugpo ng kahirapan ang pagpapanatili ng disiplina sa mga kabataan sa kasalukuyan sa kanilang katawan at sa mga ikinikilos nila sa pang-araw-araw. Umpisahan na natin ang pagkilos sa ating mga sarili sapagkat sa atin magmumula ang pagbabagong hinahangad nating lahat.

SOSLIT
Quiñones, Janna A.
2CED-BSETLE MW 1-230 January 2020
___________________________________


Kahirapan, isang suliranin na hindi magawan ng aksyon nino man. Ilang administrasyon na ang sumubok, gumawa ng paraan, ngunit hanggang ngayon ay wala paring solusyon na nagawa. Kahit na ang mga bansang malalakas at malalaki ay may ganitong problemang kinakaharap.

Madaming tao ang sinisisi ang gobyerno at umaasa lamang para mabuhay, dapat nating isipin na kung gusto nating guminhawa ay matuto tayong mag sikap upang hindi na dumagdag sa problema ng ating bansa.

Alam kong sa panahon ngayon ay mahirap n para masulusyanan ang kahirapan. Walang sapat na gamot para rito. Walang sapat na sagot sa tanong na ito.
Ngunit kung lahat ay mag sisikap at mag tutulungan matitiyak ko na kahit papaano ay mababawasan at masasagot ang problemang ito.

Umpisahan natin sa ating sarili ang pagtulong sa ating kababayan na nangangailan, sa kaunting paraan ay makakatulong tayo sa ating gobyerno bilang isang mabuting mamamayan.

Iory P. Seña
2BSIS-2 SOSLIT
MW: 2:30-4:00PM -January 2020



No comments:

Post a Comment