Sunday, 23 February 2020

Kahirapan : Mga Talumpati



KAHIRAPAN

Ang kahirapan ay isang problema sa ating bayan, maraming mga batang palaboy-laboy, gutom, nanghihingi ng pera, at ang iba'y gumagawa na lamang ng masamang gawain. Bakit nga ba naging ganito ang ating lipunan? Dahil ba sa kakulangan sa edukasyon o sa nangyayaring korapsyon o baka kulang sa disiplina. O baka inuuna ang kasayahan kaysa maging masipag para makamit ang mga pangarap, noong bata pa maraming pangarap tulad nalang na maging isang doctor, police, guro, o engineer ngunit bakit tila isang kriminal ka na? Kung nag-aral ka lamang sana noon natupad mo ang iyong mga pinapangarap at hindi ka naghihirap ng sobra ngayon. Magaan ang iyong pamumuhay bagaman hindi kayamanan ngunit hindi naman baon sa kahirapan. Ang pag-aaral ang susi ng tagumpay. MAG-ARAL! MAGSIKAP! MAGING MATIYGA! Habang may buhay may pag-asa!

SOSLIT
DIWA, EMERLINE M.
BSE-TLE
MW 1:00pm-2:30pm- January 2020

________________________________________________________________



"KAHIRAPAN AT PAGBABAGO"

Kasalukuyang laganap sa bansa ang kahirapan na isang pang-malawakang isyung panlipunan na hanggang sa ngayon ay di mabigyang solusyon.

Kawalan ng edukasyon ang pangunahing sanhi ng lalong pagkahirap ng mga mahihirap sa bansa. Masasabi nating ang edukasyon ang susi sa pag-unlad kung kaya’t ito rin ay isa sa mga susi sa pagsugpo ng kahirapan. Isa pang sanhi ng kahirapan ay ang teenage pregnancy. Ang mga dalagang inang ito ay wala pang kaalaman sa pagpapalaki ng anak kung kaya’t nakadadagdag sila sa bilang ng mga mahihirap.

Patuloy din sa paghahanap ang gobyerno para sa mga isyung ito. Marapat na mas lalong pagtuunan ng pamahalaan ang mga programang tumutulong sa kalagayan ng mga mahihirap. Marapat na gawing produktibo ng pamahalaan ang bawat mamamayan upang unti-unti nating makamit ang hinanahangad natin na mabawasan ang mga mahihirap sa bansa.

Maituturing rin na susi sa pagsugpo ng kahirapan ang pagpapanatili ng disiplina sa mga kabataan sa kasalukuyan sa kanilang katawan at sa mga ikinikilos nila sa pang-araw-araw. Umpisahan na natin ang pagkilos sa ating mga sarili sapagkat sa atin magmumula ang pagbabagong hinahangad nating lahat.

SOSLIT
Quiñones, Janna A.
2CED-BSETLE MW 1-230 January 2020
___________________________________


Kahirapan, isang suliranin na hindi magawan ng aksyon nino man. Ilang administrasyon na ang sumubok, gumawa ng paraan, ngunit hanggang ngayon ay wala paring solusyon na nagawa. Kahit na ang mga bansang malalakas at malalaki ay may ganitong problemang kinakaharap.

Madaming tao ang sinisisi ang gobyerno at umaasa lamang para mabuhay, dapat nating isipin na kung gusto nating guminhawa ay matuto tayong mag sikap upang hindi na dumagdag sa problema ng ating bansa.

Alam kong sa panahon ngayon ay mahirap n para masulusyanan ang kahirapan. Walang sapat na gamot para rito. Walang sapat na sagot sa tanong na ito.
Ngunit kung lahat ay mag sisikap at mag tutulungan matitiyak ko na kahit papaano ay mababawasan at masasagot ang problemang ito.

Umpisahan natin sa ating sarili ang pagtulong sa ating kababayan na nangangailan, sa kaunting paraan ay makakatulong tayo sa ating gobyerno bilang isang mabuting mamamayan.

Iory P. Seña
2BSIS-2 SOSLIT
MW: 2:30-4:00PM -January 2020



Monday, 10 February 2020

TALUMPATI TUNGKOL SA KAHIRAPAN (Part 2)




Magandang hapon po sa inyong lahat. Ito po ang aking talumpati na tungkol sa kahirapan. Unang una , walang taong gustong maging mahirap. Ang antas ng tao sa buhay ay naayon sa sarili nitong pananaw.Para sa akin walang taong ipinanganak na nakatadhanang maghihirap.
Gumawa ang ating dakilang lumikha ng buhay na talagang mahirap. Matuto po sana tayong lumaban at pilit na baguhin kung ano ang hindi maganda na pasasadlakan natin at gumawa po tayo ng legal na paraan upang huwag na tahakin ang landas na alam natin tutungo lamang sa kalunos lunos na uri ng pamumuhay.

Olajay , Prince Romwel / 2BSIS-2 / SOSLIT
January 2020

____________________


EDUKASYON Solusyon sa  KAHIRAPAN

Magandang umaga,Ako ay maglalahad ng maikling talumpati pa tungkol sa isang napapanahong isyu na hinaharap ngayon ng karamihan sa atin.Ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung bakit ang iba sa kabataan ay hindi nakapag aral.

Edukasyon ay isa sa pinaka malaking pangangailangan natin.Maraming dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao, ngunit marami ding paraan ang maaari nating isa katuparan upang ang kahirapan ay malutas. Ako'y isa rin sa mga kabataan naniniwala na ito ay hindi hadlang para makamit ang ating mga pangarap kaya't nais kong mag iwan ng isang kasabihan "Hindi hadlang ang kahirapan sa kabataang may pangarap,
Dahil ang pagpupunyagi ay nasa pagsisikap".

John Fricks Avila
Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
2-BSIS-2
Feb. 5, 2020
_______________



KAHIRAPAN, PAANO MASOSOLUSYONAN?

"Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakagagawa ng kasalanan. Dala ng kakulangan sa salapi, nadaragdagan ang krimen at lalong dumarami ang mga namamatay.

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap. Pero, maraming paraan upang ito'y labanan KUNG ating gugustuhin. Mula sa pagiging dukha na nagsikap at pursigi na naging isang tanyag ngayon. Tila nakikita natin ang mga nakararanas ng kahirapn. Nariyan ang mga inabandonang bata, magulo at walang kaginhawaha't kapayapaan sa ilang lugar at halos maghikahos sa pangangailangan.

May pag-asa pa bang umunlad ang ating bansa? Tayo ba'y kayang magkaisa?

Kumilos ka nang naaayon sa iyong kagustuhang magtagumpay at wag magpaalipin sa mundo ng kahirapan"

Ni: Patricia Dhanica O. Supremo
Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
BSE Mathematics February 5, 2020


_________________


Tayo’y Mahirap at Mahirap yon.

Maaliwalas na hapon sa aming kagalang-galang na guro; gayundin sa aking mga butihing kamag-aral. lagi nating naririnig ang salitang “mahirap,” mahirap tayo, mahirap ako, mahirap yan! nakakasawa , nakakarindi. Ito Ang mga salita at paniniwala na dapat hindi natin ginagamit.

Kung kaya niya kaya mo! kung kaya nila kaya ko! tumayo ka! kumilos ka! gumawa ka ng Ikabubuti mo. Umpisahan natin ang ating pagkilos sa ating mga sarili, sapagkat sa ating magmumula ang pagbabagong hinahangad ng lahat.

Erwin Osorio

Sosyedad at Literatura/Panitikang panlipunan.

February 05 2020
2BSIS-2

Mga Talumpati Hinggil sa Kahirapan



MGA KABABAYAN MAHIRAP TAYO? KUMILOS KA!

Isang pagbati sa inyong lahat. Nawa ay buksan ninyo ang inyong mga tenga.

Hindi tayo ang nagpapasya ng kung anong level naten sa buhay pag tayo ay isinilang. May mga isinilang na mayaman at may isinilang na salat. Problema ng bansa ang kahirapan ngunit ito'y masusulusyunan kung tayo'y kikilos at gagalaw. Magsikap at mangarap baguhin ang landas ng pag kasilang.

Ang kahirapan ay hindi pang habang buhay ito ay problema lang na maaring solusyunan. Huwag mong i-asa sa panahon. Ika'y Mag-isip, gumalaw at bumangon.

Jua, Edrian Mark F.
2BSIS-2-January 2020
SOSLIT

_____________________________



Magandang araw! aking mga kamag-aral. Nandito ako sainyong harapan upang ipabatid sainyo ang aking talumpati patungkol sa kahirapan. Isa sa pinakamalaking kinahaharap ng problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Kahirapa'y atin ding problema, Lalo na't tayo'y mga bata pa, Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa, Dahil balang araw,Aahon rin tayo sa kahirapang ating problema.
Ako'y isang batang nangangarap din, Ngunit hindi ang kahirapan ang siyang hahadlang sa akin, Pag-aralan ko lang ang mga aralin, Upang walang dudang makakamit ang aking mga mithiin. Para sa inyong nangangarap katulad ko, Sana'y huwag lalaki ang ulo niyo, Dahil mga magulang nati'y nagsisikap ng husto, Upang lahat ng ating mga pangarap ay walang duda nating matamo.

Nathaniel Zapatero | SOSLIT : 2 BSIS 2 | MW 2:30-4:00 pm January 2020

____________


"Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino"
Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng matitinding suliranin, pero kung minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.
Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa lawak ng kahirapan.Hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang kahirapan. Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay, na magtataas ng antas sa pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino at sa bandang huli ay tunay na magpapababa sa bilang ng mahihirap.

-SOSLIT
-Ferry,Joana Mariz January 2020
-2BSIS-2

______________



Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong oras. Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon. Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!

Samson, Nicole / 2BSIS-2 / SOSLIT
January 2020

______________

Ang Kahirapan



Kahirapan
By: Eugene Nichole D. Plena

Kahirapan, Kahirapan,
Isang malaking problema ng bayan
Maraming naaapektuhan na mamamayan
Lalo't higit ang mga kabataan

Kahirapa'y atin ding problema
Lalo na't tayo'y mga bata pa
Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa
Dahil balang araw, Aahon rin tayo sa kahirapan ating problema

Ako'y isang batang nangangarap din
Ngunit hindi ang kahirapan ang siyang hahadlang sa akin,
Pag-aaralan ko lang ang mga aralin,
Upang walang dudang makakamit ang aking mga mithiin.

Para sa inyong nangangarap katulad ko,
Sana'y huwag lalaki ang ulo niyo
Dahil mga magulang nati'y nagsisikap ng husto
Upang lahat ng ating mga pangarap ay walang duda nating matamo.





 Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin.marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gusting makamit.

SIXTO,FELIX NATHANIEL Z.
SOSLIT
MW: 2:30PM - 4:00PM-January 2020